Showbiz News

Kapuso Mo, Jessica Soho: Ang misteryosong bundok sa Sitio Bulwang

By Bianca Geli

Ipinakita sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kung paano nababalot ngayon ng misteryo ang isang bundok sa Binalbagan, Negros Occidental.

Sa Sitio Bulwang, mayroon daw kasing hindi maipaliwanag na puwersa na humihila rito sa mga sasakyan paakyat kahit pa padausdos ang daan. Habang ang tubig naman daw rito, dumadaloy nang paitaas.

Ayon sa isang taga-roon, “Wala talaga akong alam, ngayon lang namin nalaman.”

Ang hinala ng mga taga-rito, kagagawan daw ito ng mga engkanto na kung tawagin nila ay tamawo. Ang mga tamawo raw ang nagpoprotekta sa yaman na nasa tuktok ng bundok.

Ano kaya ang yamang ito? Alamin sa KMJS:

Video courtesy of GMA Public Affairs