Showbiz News

WATCH: Aiai Delas Alas meets the Alden Richards of California, U.S.A.

By Al Kendrick Noguera

Nasa Amerika ngayon ang Philippine Comedy Queen na si Aiai Delas Alas kasama ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

Isa sa tourist spots na binisita ng mag-asawa ay ang sikat na Long Beach ng California. Ngunit habang nakasakay ng bangka, tila nakasama ni Aiai ang kanyang anak-anakan na si Alden Richards.

Saad ng Sunday PinaSaya host sa kanyang Instagram post, "Alden Richards of Cali - yes! Boating-boating sa Long Beach, ganern!"

Nauna nang dumalo si Aiai sa American Music Awards sa Los Angeles kung saan nakita niya ang sikat na singers tulad nina Mariah Carey, Camila Cabello at Taylor Swift na siyang pinarangalan bilang Artist of the Year.

READ: Anak na lalaki ni Aiai Delas Alas, muli niyang makakapiling sa Pasko