Showbiz News

KC Concepcion, ayaw maabutan ng lockdown sa Manila

Minabuti ni KC Concepcion na sa labas ng Metro Manila abutan sa paghihigpit muli ng quarantine simula bukas, August 4.

Muling nasa ilalim ng MECQ o modified enhanced community quarantine ang NCR at kalapit na mga siyudad at bayan nito. Lahat ng tao ay inaasahang manatili sa kanilang bahay at papayagan lamang bumiyahe kung kinakailangan.

At sa muling paghihigpit ng guidelines kontra-COVID-19, pinili ni KC na mamalagi na lamang muna sa The Farm at San Benito, isang wellness resort sa Batangas.

Aniya, “Made sure I was out of Manila (the most crowded city in the world!) in case of another shutdown... Whew!

"Glad the gov't listened to our medical experts. And glad I listened to my instincts! Lockdown round two. HOPEFULLY easier to take than the first time.

"Hang in there, beautiful people. Let's make the most, stay healthy and... smile.”

Maalalang bumiyahe patungo sa naturang resort si KC noong July.

Maliban sa kanya, nakapagbakasyon na rin pansamantala ngayong may quarantine sina Sheena Halili at Jeron Manzanero, Pia Guanio at kanyang pamilya, at ang honeymooners na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, at pati na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

ALSO READ: KC Concepcion learns how to harvest vegetables