Balikan ang summer bonding ng 'Meant To Be' boys na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj sa La Union at Mt. Ulap.
Ken wrote on his Instagram account: "Papunta na kami sa Tangadan Falls. We're gonna ride Top-load! Yeaaaaah!"
Dagdag pa ni Ken, sana raw kasama sa trip na ito ang leading lady nilang si Barbie Forteza.
Sumubok din si Ken na mag-cliff diving sa Tangadan Falls.
Hindi syempre makakalimutan magpa-picture ni Jak.
Makikita ang Tangadan Falls sa San Gabriel, La Union.
Pagkatapos ay inakyat naman ng boys ang Mt. Ulap. Ito ang first peak nila: ang Ambanaw Paway.
Ani ni Ken, "2nd peak na kami. Welcome to Gungal Peak! Grabe guys ang lamig na dito.Hindi mo mararamdaman ang pagod."
Syempre, namiss din talaga ng buong JEYA si Billie! Ika ni Jak, "Solid ng hiking na to, lalo na magkakasama kaming JEYA! Ulitin natin to guys! We miss you @barbaraforteza."
Jump shot sa Mt. Ulap.
Inspiring quote naman ang caption ni Ken sa kanyang photo: "The man on top of the mountain didn't fall there."
Pati si Jak meron nitong once in a lifetime photo from Mount Ulap.
Enjoy na enjoy naman si Ken sa trip nila. Aniya, "Ang sarap mahiga katabi ng mga ulap."
Sobrang refreshing nga naman ng background ni Jak.
Selfie muna ang buong JEYA! Ika nga ni Ivan, di nga raw selfie ito, dino-document talaga nila ang adventures sila.
Abangan ang '3 Days of Summer' ng 'Meant To Be' boys, soon on GMA.