GMA Logo Rain Matienzo
What's Hot

'Trophy Wife' videos ni Rain Matienzo, patok sa TikTok

By Jimboy Napoles
Published March 22, 2022 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Rain Matienzo


Isa ka ba sa sumusubaybay sa 'trophy wife' videos ni Rain Matienzo sa TikTok?

Bukod sa pagiging supportive bestfriend na si Tanya sa Artikulo 247, kilala rin online ang Sparkle artist na si Rain Matienzo bilang 'TikTok girl' at ngayon ay 'trophy wife' sa kanyang video skits sa social media.

Sa katunayan, ang kanyang mga 'trophy wife' parodies, umaani ng sari-saring reaksyon at daan-daang libong views sa TikTok.

Sa "Chika Minute' report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, ibinahagi ni Rain ang dahilan kung paano nagsimula ang kanyang nakatutuwang skits.

Kuwento niya, "My gosh as in super accidental lang po talaga 'yun. Kasi 'yung mga tita ko lagi na lang sinasabi na trophy daw sila, ganyan. Growing up, negative 'yung connotation e."

Dagdag pa niya, "Pero nakita ko 'yung mga tita ko, parang oo nga naman, trophy sila, like well achieved, they did well for themselves. Ka-trophy-trophy nga naman."

@rainmatienzo

tapos topic na siya ng teachers mamaya sa faculty room

♬ original sound | ig: @rainmatienzo 🌧 - Rain

Pero paglilinaw ni Rain, observation humor lamang daw ito at paraan niya lamang upang magbigay inspirasyon sa mga kababaihan na mas maging confident sa kanilang mga sarili.

Aniya, "One day nagdamit lang ako pang-workout. Tapos sabi ko 'Parang mukha akong trophy wife.' May time din in my life, tumulong ako sa school ko before tapos 'yung mga mommies... I think it's more like the confidence that comes from within. So what makes you confident?"

"For me kasi, what makes me confident is being hardworking at my job and building my own empire. Char! Make yourself look good for yourself din."

Masaya rin si Rain nang mapansin ng kanyang idolo na si Heart Evangelista ang kanyang mga nakakaaliw na videos sa TikTok.

"Nag-comment si Heart. Sabi ko nga 'Ito namang si Heart pwede namang i-text na lang ako, nag-comment pa. My amiga!' Heart, grabe 'yon kinilig lang ako kasi siyempre natawa siya, she said 'Wahaha this is hilarious.' So siyempre gumawa ulit ako ng another video. I really appreciate it."

Samantala, level-up na rin ngayon ang 'trophy wife' videos ni Rain kung saan ka-duet niya ang kanyang kaibigan, ang content creator na si Luciano Vivas o mas kilala online bilang si Landamme Vivas na gumaganap naman bilang mayaman na asawa ni Rain.

Marami rin ang kinikilig sa tandem ng dalawa, kaya patuloy din ang kanilang pagpapasaya sa kanilang mga taga-subaybay.

Panoorin ang kanilang kilig duets sa video na ito.

@rainmatienzo #duet with @landamme ♬ original sound - ig:landammevivas

Kilalanin naman ang TikTok influencer at Sparkle artist na si Rain sa gallery na ito.