GMA Logo Tuesday Vargas in Fast Talk with Boy Abunda
Source: tuesday_v
What's on TV

Tuesday Vargas, meron pa bang hindi nakakasundo sa showbiz?

By Kristian Eric Javier
Published January 9, 2025 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Tuesday Vargas in Fast Talk with Boy Abunda


Tuesday Vargas sa tanong kung meron pa ba siyang hindi nakakasundo sa entertainment: 'Wala nang energy'

Matapos ang higit 20 taon sa entertainment industry, aminado si Your Honor host Tuesday Vargas na wala na siyang masyadong gana na hindi makipagkasundo sa ibang celebrities sa industriya.

Sa panayam sa kanila ng co-host na si Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, January 8 tinanong siya ni King of Talk kung meron pa ba siyang hindi nakakasundo sa industriya ngayon.

Sagot ng actress comedienne, “To be honest, Tito Boy, in my 40s, parang wala na masyadong gana. Wala nang energy, e. Wala nang energy kasi kesa ibuhos mo pa sa kaiinisan mo, du'n la na lang sa nakakabata, nakakapositibo.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Palagi lang akong masaya, Tito Boy and if a person is difficult, I show them what it's like to be easy to work with para tumigil sila ng kakaarte ng ganu'n.

Sambit naman ni Boy, "And it's a choice that you make." Sumang-ayon naman si Tuesday, "Yeah, it's a choice.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGKABATI NA MATAPOS ANG KANILANG IRINGAN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, kailan lang ay sinimulan na nila ni Buboy ang kanilang pinakabagong podcast, ang Your Honor na ayon kay Tuesday ay isang magandang opportunity para sa artists na kagaya nila na hindi madalas nakikita bilang mga host.

Pagbabahagi ni Tuesday tungkol sa kanilang podcast, “Ang pinag-uusapan na mga topic 'yung meron talagang kinalaman sa buhay ng bawat Pilipino. Hindi lang po basta komedya, meron din po kaming gustong patunayan ni Buboy na sobrang mga intellectual talaga tayo, well-read, learned people.”

Ngayon ay matuturing na ang Your Honor bilang isa sa fastest-rising podcasts sa music and podcast streaming app na Spotify sa Pilipinas. Katunayan ay umabot na ito sa Top 30 podcasts sa Pilipinas kamakailan, patunay na marami na ang nakakakilala at nakakapansin sa naturang podcast.

Dagdag pa nito ay napapansin na rin ng netizens ang chemistry sa pagitan ng dalawang hosts at inaabangan na ang future guests nila sa show.