
Need some juicy chikahan, mga Ka-YouLOL?
Puwes, um-attend na kayo ng session ng 'House of Honorables' na sina Tuesday Vargas at Buboy Villar sa pinakabagong vodcast na Your Honor na handog ng YouLOL Originals.
Talagang tinutukan online ang first two hearings nina Tuesday at Buboy kung saan nagsilbing resource persons nila ang multi-awarded comedienne na sina Aiai Delas Alas at Kabarangay DJ na si Papa Dudut.
At kahit kasisimula pa lang ng Your Honor, umani na ng papuri si Madam Chair mula sa mga netizen na bilib sa hosting skills niya.
Sabi pa ng isang netizen, “I love this show hahaha Tuesday is so underrated and im glad she's given this platform, she's naturally funny and turns out an amazing host and interviewer too, love her questions! love her banter with buboy and their guest!”
Komento naman ng isa, “Gustong gusto ko si Ms. Tuesday. may patawa pero makikita mo yung pagiging matalino nya. at magaling din nmn si buboy pang timpla kay tuesday.”
Bago naging host ng Your Honor si Tuesday, napasama siya sa Bubble Gang noong 2022, kung saan isa siya sa mga bagong cast member ng longest-running gag show tulad nina Dasuri Choi, Kim de Leon, at Sang'gre actress Faith Da Silva.
Tutukan ang pagharap sa cross examination ng award-winning Sparkle comedienne na si Pokwang sa Your Honor sa darating na Sabado ng gabi, 8:15 pm sa YouLOL YouTube channel.
RELATED CONTENT: BRILLIANT KA-BUBBLE COMEDIENNES