GMA Logo Tuesday Vargas
Source: tuesday_v/IG
What's Hot

Tuesday Vargas, sinagot ang komentong 'laos na' ang mainstream artists

By Kristian Eric Javier
Published May 11, 2023 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Tuesday Vargas


Inilabas ni Tuesday Vargas ang kaniyang saloobin tungkol sa isyu na "laos na" ang mga artista ng mainstream media. Basahin dito.

Sinagot ng Kapuso actress at Bubble Gang comedian na si Tuesday Vargas ang komento ng isang social media personality na nagsabing “laos na” ang mga artista ng mainstream media at ang mga social media personalities na raw ngayon ang bagong "mainstream."

Sa isang Facebook post, naglabas si Tuesday ng saloobin tungkol sa nasabing social media personality dahil hindi niya “masikmura na binastos ang ginagalang kong artista.”

“Maayos naman ang kanyang sinabi. Nag cause lang ng animosity between people akala ata niya cool 'yun. Sa atin pong mga manonood, maging mapanuri rin sa inyong mga fina-follow,” ani ni Tuesday.

Dagdag pa nito, “Kung pakiramdam n'yo na masamang tao 'yan dahil sa salita at gawa, maari po bang maghanap na lang ng ibang susubaybayan?”

Ang sinasabing artista na ginagalang ni Tuesday ay ang kapwa niya Bubble Gang comedian at creative director ng longest-running gag show sa Pilipinas na si Michael V., o mas kilala bilang Bitoy.

Kamakailan ay nag-post si Bitoy ng isang image na naglalaman ng mga salitang “The first thing any 'content creator' should understand is the meaning of the word: 'content'.”

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Dito sinagot ng social media personality si Bitoy, at sinabing 'wag na lang magsalita kung hindi kayang sumabay sa mga influencers sa pag-produce ng content.

Isa sa mga saloobin ni Tuesday na ibinahagi niya ay, “Ang pagiging artist ay hindi lang basta paramihan ng fans. Bottom line is may talent ka dapat para tumagal ka sa industriya.”

Dagdag pa nito, “Madami ang sikat sa soc med na kapag nakasama namin sa taping ay parang fish out of water. Kapag hindi na ma-edit kasi nga live, adliban na sa set, pakikinig sa cue ng direktor sa floor at simpleng acting sa harap ng camera ng iilang linya ay nangangapa.”

Pagpapatuloy nito, “Hindi po natututunan ang mga bagay na ito overnight. Taon ang binubuhos at genuine talent. Walang followers na pinaguusapan kasi at the end of the day, mapapagod ang taga nood kung one note samba ka lang na performer.”

Nilinaw din ng komedyante na hindi contest ang pagiging isang artista, mainstream man o social media.

“Kailangan pong kumita ng lahat ng platforms 'yan ang maliwanag. Kaya po kayo laging may booking para mas malawak ang reach ng kanilang brand. Totoong hakot award kayo sa TF sa panahon na namamayagpag ang soc med,” sabi ni Tuesday.

Dagdag nito, “Pero bakit need mong i-post na laos na 'yung nag comment about having meaningful content? Director, artista, writer siya at respetado siya sa industriya. Hindi siya nakikipag [kompetensya] sa iyo.”

Sa huli, sinabi ni Tuesday na natutuwa siya sa mga maayos na social media celebrities at nilinaw na hindi siya inggit o galit. Pero nilinaw din niya na tama ang sinabi ni Bitoy na “content is king.”

“Kailangan gamitin n'yo ang inyong new found fame for a purpose. Hindi puro prank, controversy, intriga ang bangko ng inyong channels para lang mapagusapan,” ani nito.

Nilinaw din ng aktres na wala siyang inaaway ngunit sinabing “Masakit na ayaw pa saling at feeling high and mighty ang isang tao kasi imbes na ipag buklod mo ang viewers, nagkakaroon tuloy ng gulo sa kapwa mo celeb dahil ang kitid ng world view mo.”

“Pwede namang supportahan tayo sa industriya di ba? Alam mo ang kapasidad mo, galangin mo din ang ilang dekadang craft na ng ibang tao at huwag kang mang away. Yun lamang po,” dagdag nito.

SAMANTALA, KILALANIN NAMAN ANG FILIPINO TIKTOK CONTENT CREATORS NA MAY MAHIGIT 5M FOLLOWERS: