GMA Logo Michael V, Boy Abunda
What's on TV

Michael V., naniniwalang nagbago na ang pagtanggap ng mga Pinoy sa comedy

By Jimboy Napoles
Published April 25, 2023 3:12 PM PHT
Updated May 1, 2023 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V, Boy Abunda


“Dati ang mga Pinoy, mga trooper 'yan e, ngayon nag-iba na.” - Michael V.

Masaya at malaman ang naging panayam ng King of Talk na si Boy Abunda kay Kapuso Comedy Genius Michael V. sa pagbisita nito sa first episode ng second season ng programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, April 24.

Bukod sa kaniyang pagsisimula bilang komedyante, napag-usapan din ng dalawa sa nasabing episode kung paano nakaaapekto ang ideya ng political correctness sa comedy shows o films sa Pilipinas.

Dito na iniugnay ni Michael V. o kilala rin bilang Bitoy ang sitwasyon ng creative group ng comedy gag show na Bubble Gang.

Aniya, “Hirap na hirap 'yung creative group ng Bubble Gang particularly, kasi sobrang sanay na kami sa ginagawa 'yung mga ganito, 'yung mga ganiyan and for those who are watching, ang intention talaga namin ay magpatawa.

“You have to take it down to its bare essence na pagpapatawa lang ang gusto naming mangyari. Ngayon kapag nilagyan mo na ng kung ano-anong kulay tapos hindi mo na magawa 'yung pagpapatawa, minsan napakahirap para sa mga writers at saka sa mga artista.”

Mula rito, muling nagtanong si Boy, “Sa tingin mo ba pikon partly ang certain sector of Filipino audience?”

Ayon kay BItoy, nagbago na rin ang pagtanggap ng mga Pinoy sa comedy.

Sabi niya, “Nagbago na 'yung landscape, hindi naman ganoon dati ang mga Pinoy e. Dati ang mga Pinoy, mga trooper 'yan e, mga kalog talaga 'yan, ngayon nag-iba na, nahawa na sa mga netizen.”

“Bukod doon, meron ding tinatawag na ISO e, International Standardization Organization, ano 'yan e, dapat lahat tayo pantay-pantay all over the world. So kapag hindi na politically correct sa ganitong bansa more often than not maaapektuhan din ang Pilipinas,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, nakakasabay naman umano ang nabanggit na gag show pagdating sa pag-develop ng mga bagong segments na kakagatin ng mga tao.

“Mahirap but we find ways, that's very good about Bubble Gang, 'yung creative group napaka-creative pa rin hanggang ngayon,” ani Bitoy.

Sinang-ayunan naman ito ni Boy. Aniya, “Totoo 'yan that's why it's been there for almost thirty years.”

Samantala, patuloy rin na mapapanood si Bitoy sa longest-running gag show sa bansa na Bubble Gang at sa weekend sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento sa GMA.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG MOST MEMORABLE CHARACTERS NI MICHAEL V. SA GALLERY NA ITO: