What's Hot

Tuklasin ang pinagmulan ng bayabas sa 'Alamat'

By Jansen Ramos
Published September 4, 2020 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Haring Barabas in Alamat


Matutunan kaya ni Haring Barabas ang kanyang leksyon matapos kamkamin ang lahat ng pagkain ng kanyang nasasakupan?

Ngayong 2020, muling ipinalabas sa telebisyon ang first local animated anthology series na Alamat.

Sa makasaysayang nitong unang pagtatanghal, pumukaw sa ating mga damdamain ang kwento ng alamat ng bayabas kung saan tampok ang mga boses ng award-winning actor na si Pen Medina at child actor na si Jaster Harvey Almoneda

Ito ay hango sa kuwento ng isang gahamang haring si Barabas (Pen Medina) na walang ginawa kung 'di kamkamin ang lahat ng pagkain ng kanyang nasasakupan.

Dahil sa pagpapahirap ng hari, dumulog si Bunsoy (Jaster Harvey Almoneda) at ilang mamayan sa bayan ng hari kay Diwatang Migbibaya.

Isang araw, habang nilalantakan ang isang buong manok, bigla na lamang nahimatay sa kabusugan si Haring Barabas at hindi kalaunang ay binawian ng buhay.

Nilamon si Haring Barabas ng kapangyarihan at kasakiman, marami ang nagdusa at naghirap noong nabubuhay pa siya. Sa kanyang pagkamatay, natapos ang pagdurusa ng kanyang bayan.

Kaunlaran, katarungan, malasakit, at kabayanihan ang ipinamana ng mga naunang hari ng kanilang bayan. Pero si Haring Barabas, walang iniwan kung 'di isang aral sa mga susunod na mamamuno sa kanilang bayan.

Isang araw, namitas ang ilan ng bunga ng puno na tumubo sa puntod ng sakim na hari. Mapait at matigas ang mga bunga nito na inihalintulad nila sa namayapang diktador.

Dumating ang panahon, unti-unting nahinog ang mga bunga nito at naging matamis at masarap--isang pabuya sa kanila ni Diwata Migbibaya matapos silang pagkaitan ng masasarap na pagkain ni Haring Barabas.

Makasaysayan ang pagtatanghal ng 'Alamat ng Bayabas' dahil ito ang unang Pinoy show na ginawaran bilang “Best of Festival Award” sa 2016 US International Film & Video Festival (USIFVF). Orihinal itong ipibalabas sa GMA noong July 12, 2015.

Bukod pa rito, muli ring ipapalabas sa Alamat ang kwento ni Juan Tamad, Ang Langgam at Ang Tipaklong, Mariang Sinukuan, Ang Unang Bahaghari, Ang Mahiwagang Singsing, at iba pa.

Ang Alamat ay base sa mga popular na kwento sa Philippine folklore na layong magturo ng kabutihang asal at ipakita ang kultura ng bansa.

Subaybayin ito tuwing Lunes at Martes, 8:25 a.m., bago mag-Mars Pa More.