GMA Logo Allen Ansay Sofia Pablo
What's on TV

Tutukan ang LUVly finale week ng 'Luv Is: Caught in His Arms'

By Jimboy Napoles
Published March 7, 2023 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BI lauds immigration officers posted at manned airports, seaports amid holidays
Cebu Archbishop: There is hope for the Philippines
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay Sofia Pablo


Huwag palampasin ang huling limang gabi ng 'Luv Is: Caught in His Arms' sa GMA Telebabad.

Matapos ang tatlumpu't limang gabi na pagbibigay kilig, saya, at drama sa bawat manonood, dumating na sa huling limang gabi ang kilig serye na minahal ng bayan -- ang Luv Is: Caught in His Arms.

Ang naturang serye ay ang first-ever primetime series ng tinaguriang next generation leading lady at leading man na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, mga gumaganap sa karakter nina Florence at Nero.

Samantala, bagamat nasa finale week na ang serye ay marami pang dapat abangan ang mga Kapuso sa mas tumitindi pang mga tagpo sa kuwento.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay tuluyan nang nakumpirma ang tunay na pagkatao ni Florence bilang si Celestina Almero, ang nawawalang anak ni Lorenzo, at apo ng mayaman na si Don Rogelio.

Dahil dito, mas nalagay sa alanganin ang relasyon nina Florence at Nero dahil sa banggaan ng kanilang pamilya. Ito ay dahil naniniwala ang mga Almero na may kinalaman ang mga Ferell sa trahedyang sinapit ni Alyanna Almero at ng anak nito na si Celestina o si Florence kung kaya't ito ay nawala.

Sa March 3 episode naman ng serye ay lumutang ang bagong karakter na si Samuel Almero na ginagampanan ng Kapuso actor na si Dion Ignacio. Kaugnay nito, nagging palaisipan sa mga manonood kung ano ang magiging papel ni Samuel sa kuwento nina Florence at Nero? 'Yan ang dapat abangan.

Bukod dito, kaabang-abang din ang magiging endgame ng Ferell cousins na sina Owen, Tristan, Aldus, at Troy na ginagampanan nina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria at Sean Lucas kasama pa sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales na gumaganap naman bilang sina Antonia, Camille, Aira, at Lina.

Dapat ding abangan kung matatapos na ba nina Florence at Nero ang matagal nang hidwaan ng pamilya Almero at pamilya Ferell.

Tutukan ang LUVly finales week ng Luv Is: Caught in His Arms,simulang ngayong Lunes, March 6, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.

Ang Luv Is: Caught in His Arms ay ang first collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon studios na TV adaptation ng hit web novel na “Caught in His Arms.”

BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: