
Opening number pa lang ng It's Showtime, pasabog na ang sorpresa para sa mga manonood, ang madlang Kapuso!
Ngayong July 1 ay nagsimula nang mapanood ang It's Showtime sa GTV.
Napanood sa exciting na opening number ang hosts ng It's Showtime na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Amy Perez, Ion Perez, at Jugs and Teddy. Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng saya sa opening number sina Ryan Bang, MC and Lassy, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, at ang mga Batang Cute-Po na sina Argus, Kulot, Jaze, Imogen at Lucas.
PHOTO SOURCE: Twitter: @gtvphilippines
Na-excite ang mga manonood dahil sa napanood rin sa It's Showtime sina Sanya Lopez, Barbie Forteza, Pokwang, Mark Bautista, Rodjun Cruz. at Rayver Cruz.
Kasama pa sina Jolina Magdangal, Erik Santos, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Chie Filomeno sa mga napanood sa opening number.
Nagpasalamat naman ang It's Showtime hosts dahil sa pagbisita nina ABS-CBN's President and CEO Carlo L. Katigbak at ABS-CBN head of TV production Direk Lauren Dyogi.
Abangan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado sa GTV!
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA CONTRACT SIGNING NG IT'S SHOWTIME SA GTV: