
Nito lamang July 31, dinaluhan ng ilang celebrities ang elegant wedding nina Maja Salvador-Rambo Nuñez na ginanap sa Bali, Indonesia.
Kabilang sa celebrities na dumalo sa special event ay ang aktor na si Joshua Garcia.
Sa ilang larawan na in-upload ng beauty queen na si MJ Lastimosa sa Instagram, makikitang present si Joshua sa kasal nina Maja at Rambo.
Makikita sa post ni MJ ang isang group photo habang kasama niya si Joshua at iba pang celebrities tulad na lamang nina Daniel Padilla, Miles Ocampo, at ang asawa ni Maine Mendoza na si Arjo Atayde.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Joshua Garcia bilang si Renz sa biggest collaboration series ng GMA, ABS-CBN, at Vi una Unbreak My Heart.
Sa bagong episode ng serye na mapapanood ngayong Miyerkules ng gabi, August 2, kaabang-abang ang mga eksena ni Renz habang patuloy niyang itinatago ang kanyang mga sikreto.
Matutunghayan na mayroong aaminin si Renz sa kanyang girlfriend na si Alex, ang karakter ni Gabbi Garcia sa serye.
Hindi rin dapat palampasin kung paano susubukan ni Rose (Jodi Sta. Maria) na alamin ang tunay na pagkatao ni Renz.
Panoorin ang teaser video na ito:
Abangan ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.