GMA Logo Joshua Garcia Jodi Sta Maria Gabbi Garcia
Courtesy: GMA, ABS-CBN, and Dreamscape
What's on TV

Unbreak My Heart: Dahil sa aksidente, nalagay sa panganib ang buhay ni Alex

By EJ Chua
Published July 13, 2023 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder confident in another bounce-back effort in Game 2 vs. Spurs
REP taps Nelsito Gomez to direct Nonie Buencamino's musical theater comeback in 'Man of La Mancha'
Hot water poured on cat in NegOcc; justice sought

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia Jodi Sta Maria Gabbi Garcia


Ang anak ni Rose na si Alex ang napuruhan sa car accident. Abangan ang susunod na mangyayari sa #UnbreakMyHeart.

Sa nakaraang episode ng Unbreak My Heart na ipapalabas nito lamang Miyerkules, July 12, natunghayan ng mga manonood na nasangkot sa car accident ang mag-ina na sina Rose (Jodi Sta. Maria) at Alex (Gabbi Garcia).

Bago maaksidente, matatandaang nagtalo pa si Alex at ang kanyang daddy na si Matt (Richard Yap) habang magkausap sila sa mobile phone.

Habang kasama ang kanyang mommy na si Rose, biglang nakatanggap ng tawag si Alex mula kay Matt.

Pagsagot pa lamang ni Alex ay bumungad na sa kanya ang galit na boses ng kanyang daddy.

Nalaman na kasi nito na muli na silang nagkakasama ng kanyang mommy at nagkaayos na silang dalawa.

Pakiramdam ni Matt ang pinagtaksilan siya ng kanyang anak dahil sa pagpapatawad nito kay Rose sa kabila ng mga nangyari noon sa kanilang pamilya.

Matapos magtalo, nabangga ng isang kotse ang sasakyan ni Alex, kung saan nakasakay din si Rose.

Ilang segundo pagkalipas ng aksidente ay labis na kinabahan si Rose dahil nawalan ng malay ang kanyang anak.

Nang makarating sila sa ospital, nakaramdam siya ng takot dahil malubha ang kalagayan ni Alex.

Kasunod nito, dumating na ang boyfriend ni Alex at ex-boyfriend ni Rose na si Renz (Joshua Garcia) sa ospital.

Malalampasan kaya nila ang pagsubok na ito?

Panoorin ang eksenang ito:

Abangan pa ang susunod na mga tagpo sa Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG ILANG UNBREAK MY HEART STARS NANG BUMISITA SILA SA GMA SA GALLERY SA IBABA: