GMA Logo jeremiah lisbo
What's on TV

'Unbreak My Heart' fan, napa-react kay Jeremiah Lisbo

By EJ Chua
Published October 4, 2023 12:42 PM PHT

Around GMA

Article Inside Page


Showbiz News

jeremiah lisbo


Gigil din ba kayo sa ginawa ng karakter ni Jeremiah Lisbo sa karakter ni Gabbi Garcia sa 'Unbreak My Heart'?

Trending sa TikTok ang video ng isang content creator na may funny reaction nang makita niyang naglalakad Unbreak My Heart actor na si Jeremiah Lisbo sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023.

Sa naturang video, napahiyaw ang TikTok content creator na si Apple dahil kay Jeremiah. Dahil sa pagiging fan ng serye, nanggigil siya nang makita niya ang aktor at naiugnay niya ito sa isang eksenang kanyang napanood.

Natunghayan niya kasi sa isang episode ng Unbreak My Heart na nakunan si Alex/Xandra, ang karakter ni Gabbi Garcia sa serye, dahil sa ginawa sa kanya ni Franco (Jeremiah).

@otakoyakisoba INVESTED PA MORE! #abscbnball2023 #unbreakmyheart ♬ original sound - otakoyakisoba

Napanood sa latest episode kung paano kinaladkad ni Franco si Alex/Xandra palabas ng condo at doon na niya pinuwersa na isama ang huli upang makipag-usap sa kanya.

Nakita ni Rose (Jodi Sta. Maria) ang lahat ng nangyari at habang nagtatalo ang dalawa, napaupo si Alex sa sahig at dinugo na ito.

Gusto ni Franco na muli silang magkabalikan ni Alex/Xandra kaya naman hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon.

Samantala, napa-react din ang ilang fans ng serye na ng trending na TikTok video.

Panoorin ang full episode ng naturang eksena sa video sa ibaba:

Abangan pa ang mas matitinding rebelasyon at mga eksena sa Unbreak My Heart.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.

Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.