
Mayroong magtutulungan sa pinag-uusapang drama series na Unbreak My Heart.
Napapanood sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria bilang sina Matt at Rose, ang mga magulang ni Alex/Xandra na role naman ni Gabbi Garcia sa serye.
Ngayong Lunes, September 18, sa bagong episode ng serye, makikipag-usap si Rose sa dati niyang asawa na si Matt.
Sasabihin na ni Rose sa huli na mayroong inililihim si Alex/Xandra sa kanila.
Ikakagalit ni Matt ang pagpunta ni Rose ngunit labis niyang ikakagulat ang balita na buntis ang kanilang anak at si Renz (Joshua Garcia) ang ama ng baby nito.
Kahit na mayroon pa ring hindi pagkakaintindihan, magtutulungan sina Matt at Rose para pigilan si Alex/Xandra sa balak nito na ipa-abort ang baby.
Ano kaya ang gagawin nila upang maisalba ang kanilang magiging apo?
Makikinig kaya sa kanila ang kanilang anak?
Samantala, ano kaya ang magigiging trabaho ni Renz?
Kaabang-abang talaga ang mga susunod na mangyayari sa serye.
Silipin ang ilang tagpo na mapapanood sa episode ngayong Lunes sa video na ito:
Patuloy na tumutok sa drama series na Unbreak My Heart.
Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.