
Kakaibang acting skills ang ipinapakita ngayon ni Gabbi Garcia sa drama series na Unbreak My Heart.
Nang matapos ang book 1 ng serye, nabansagang 'mabagsik' ang karakter ni Gabbi na si Alex/Xandra.
Si Alex/Xandra ay anak nina Rose (Jodi Sta. Maria) at Matt (Richard Yap). Siya rin ang babaeng dapat pakakasalan ni Renz (Joshua Garcia).
Sa mismong araw ng kanilang kasal ay natunghayan ng mga manonood kung paano ipinahiya ni Alex/Xandra ang kanyang Mommy at ang groom nang sabihin niya ang sikreto ng dalawa.
Ang Mommy niya na si Rose ay ex-girlfriend ni Renz.
Sa book 2 ng serye, napapanood ngayon ang paghihiganti ni Alex/Xandra ngunit isang pangyayari ang tila magpapagulo sa kanyang mga plano.
Nalaman niyang ipinagbubuntis niya ang baby nila ni Renz.
Huwag palampasin kung ano ang mga gagawin ni Alex/Xandra sa kanyang buhay kabilang na ang masamang balak niya sa batang ipinagbubuntis niya.
Itutuloy kaya niya ang pagpapa-abort sa kanyang anak?
Alamin ang kasagutan sa susunod na episodes ng pinag-uusapang drama series, Unbreak My Heart.
Mapapanood ang naturang serye tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maaari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.