
Mga Royalistas, sumali na sa #RoyalBloodTheory campaign ng Royal Blood sa TikTok at ibahagi ang inyong mga teorya kung sino nga ba talaga ang pumatay kay Gustavo Royales.
Magsisimula sa Biyernes, August 25, ang campaign na ito ng Royal Blood sa TikTok. Gamitin ang #RoyalBlood, #RoyalBloodTheory, at #KapusoSeryeReview sa pagbabahagi ng inyong mga teorya at i-tag ang @gmanetwork sa TikTok.
Isa ang content creator na si Jezreel Ely sa nagbabahagi ng kanyang mga teorya kung sino nga ba ang maaaring pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III).
Sa ngayon, may pitong parte ang kanyang mga teorya kung saan tumama ito tungkol sa pagkakaroon ng affair nina Beatrice (Lianne Valentin) at Andrew (Dion Ignacio). Napapansin din ni Jezreel ang kakaibang kinikilos ni Tasha.
@jezreelely Royal Blood - It's Theory Time Part 7. Balikan natin si Beatrice! At tumama ang theory natin sa affair nila ni Andrew. Pero etong si Tasha medyo kakaiba na din ang kinikilos. #royalblood #royalbloodgma #itstheorytime #kapusoseryereview #jezreelely #whatsupmgakamaganak #fyp #tiktoktainmentph #longervideos ♬ original sound - Jezreel Ely
Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
TINGNAN ANG NAGANAP NA FINALE SCRIPT READING NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: