
Agad na umani ng magagandang komento mula sa netizens ang music video ng Royal Blood para sa original soundtrack nitong "Balik" na inilabas noong Martes, August 22.
Marami ang "nagandahan at na-in love" sa kanta at "kinilig" sa chemistry na mayroon ang mga karakter nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Miss World 2013 Megan Young sa Royal Blood.
Tampok sa four-minute music video ang naging pagmamahalan nina Napoy (Dingdong) at Diana (Megan) at ang muli nilang pagkikita, na tumutugma sa theme song nito tulad na lamang ng linyang: "Pwede bang balikan ang ating nakaraan? Pwede bang ang nakalipas ay 'di na lang umpisahan."
Ang "Balik" ay inawit nina Sparkle artists Jeff Moses at Mitzi Josh. Ito ay isinulat ni Rina L. Mercado at produced ng GMA Playlist.
Panoorin ang music video ng "Balik" dito:
Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
TINGNAN ANG NAGANAP NA FINALE SCRIPT READING NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: