
"May Panalo Rito" sa Family Feud at isa sa mga nagwagi ngayong Mayo ay ang UP Dragonboat Team.
Noong May 22, naglaro ang UP Dragonboat Team na kinabibilangan nina BS Speech Pathology graduate and UPDT member since 2017 na si Micah Faith "Kai" Marcial at BA Broadcast Media Arts and Studies major na sumali sa UPDT noong 2023 na si Quinn Tiffany Barcarse. Kasali rin ang musical artist, producer, designer at isa sa mga creators ng BINI's hit song na “Pantropiko”, at UPDT member since 2009 na si Pow Chavez at si Coach Raab Hizon na BS Industrial Engineering graduate at team member since 2010.
INSET: https://drive.google.com/file/d/1RNBK1n0SvdaRkh0l3pVE6iTK89-ZGgCS/view?usp=sharing
IAT: Family Feud
Nakalaban nila sa episode na ito ang Pinay Wrestlers na kinabibilangan naman nina Vernice Gabriel, a.k.a. Crystal, the Queen of Philippine Wrestling, Joya, a.k.a. The Firestarter, at sina Chelsea Marie and Ramona.
Nagwagi sa survey hulaan ng Family Feud ang UP Dragonboat Team kaya sina Kai at Pow ay naglaro sa Fast Money Round. Nakapag-uwi ng PhP 200,000 ang UP Dragonboat Team at nakakuha rin ng cash prize ang kanilang chosen charity na Play It Forward.
Balikan ang winning moment ng UP Dragonboat Team dito:
"May Panalo Rito" kaya patuloy na subaybayan ang mga fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.