GMA Logo Pinay Wrestlers at UP Dragonboat Team
What's on TV

Pinay Wrestlers at UP Dragonboat Team, magpapagalingan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published May 22, 2025 1:15 PM PHT
Updated May 22, 2025 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rochelle Pangilinan, nagbabala kontra sa nagbebenta ng fake Sexbomb concert tickets
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Pinay Wrestlers at UP Dragonboat Team


Abangan ang tapatan ng Pinay Wrestlers at UP Dragonboat Team ngayong Huwebes (May 22) sa Family Feud!

Tapatan naman ng wrestlers at paddlers ang dapat tutukan sa country's number one game show na Family Feud!

Sa Huwebes (May 22), mapapanood natin ang award-winning host na si Dingdong Dantes at ang laban sa survey hulaan ng Pinay Wrestlers at ng UP Dragonboat Team.

Mula sa team ng Pinay Wrestlers ang fierce and fabulous Filipina wrestlers sa pangunguna ni Vernice Gabriel, a.k.a. Crystal, the Queen of Philippine Wrestling. Makakasama niya si Joya, a.k.a. The Firestarter, at sina Chelsea Marie and Ramona. Abangan din ang Pinay wrestlers sa masayang kulitan kasama ang Kapuso Primetime King.

Mula naman sa UP Dragonboat Team (UPDT), maglalaro sina BS Speech Pathology graduate and UPDT member since 2017 na si Micah Faith "Kai" Marcial. Makakasama niya ang BA Broadcast Media Arts and Studies major na sumali sa UPDT noong 2023 na si Quinn Tiffany Barcarse. Kasali rin ang musical artist, producer, designer at isa sa mga creators ng BINI's hit song na “Pantropiko”, at UPDT member since 2009 na si Pow Chavez. Hindi naman papahuli si Coach Raab Hizon na BS Industrial Engineering graduate at team member since 2010.

Exciting na tapatan ang ating masasaksihan ngayong Huwebes kaya abangan kung anong team ang magwawagi sa Family Feud!

"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.