GMA Logo Valerie Concepcion and Marco Alcaraz
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Valerie Concepcion, irereklamo ang kapitbahay na araw-araw kung mag-videoke sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published September 1, 2022 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Valerie Concepcion and Marco Alcaraz


May kapitbahay ka bang mahilig mag-videoke at mag-ingay? Paano nga ba mareresolba ang ganitong problema?

Tampok ngayong Sabado sa "Videoke" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng pamilya ni Mylene, na naapektuhan na ang pamumuhay dahil sa sobrang ingay ng mga kapitbahay niyang araw-araw kung mag-videoke.

Bibigyang-buhay nina Valerie Concepcion at Marco Alcaraz ang mag-asawang Mylene at Raffy. Dahil hindi makuha sa pakiusap, ipinabarangay na ng mag-asawa ang kanilang mga kapitbahay.

Pero sa huli, ang mga ito pa ang galit sa kanila. Paano nga ba mareresolba ang ganitong problema?

Makakasama rin nina Valerie at Marco sa episode na ito sina Lia Salvador, Shirley Fuentes, Tart Carlos, Christian Antolin, Jomar Yee, at Poleng Belardo.

Huwag palampasin ang "Videoke" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 3, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: