
Fun and entertainment ang hatid ng Family Feud ngayong May 29.
Mapapanood sa fresh episode ngayong Huwebes ang award-winning host na si Dingdong Dantes kasama ang ventroloquists at stand-up comedians sa Puppeterong Magikero at Doble Kara Divas.
Maglalaro sa Puppeterong Magikero ang leader ng team na si Aries Benedicto, a.k.a. Aries the Magic Artist, at kaniyang puppet na si Bogart, the talented dog. Tampok din sa kanilang team si Marvin Arquero at boxer puppet na si Nognog; Neil Patrick at ang gorilla puppet na si T'yong Gori; at Micko Jay Enriquez, alias Magic Micko at si Toby the turtle puppet.
Mula naman sa Doble Kara Divas mapapanood ang stand-up comedians na kilala sa kanilang signature male-female makeup, outfits, and onstage split personalities.
Ang magli-lead sa Doble Kara Divas ay si Aekaye, ang Doble Kara champion performer for 20 years. Sasamahan pa siya ng 21-year veteran na si Reggie K, ang nagwagi ng first Doble Kara competition as a third-year high school student noong '90s na si Justin. Kukumpleto sa kanilang grupo at si Victoria, na 17-year performer mula sa Quezon Province, na nagwagi sa popular noontime TV show at isa na ngayong band vocalist.
Abangan ang inihandang exciting na tapatan ng Family Feud ngayong May 29!
"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.