
After 14 years, oras na para sa isang malupit na resbakan sa pagitan nina Bb. Pilipinas 2010 Venus Raj at ng kanyang runner-up na si Nicolette Henson.
Kung sila ay naglaban sa rampahan noon, sa Lunes, March 4, magtatapatan naman sila sa isang exciting game sa Family Feud stage.
Si Venus ay ka-team ang kanyang asawa at pamilya - ang Team Major Major. Haharapin nila sina Nicolette kasama ang kanilang batchmates sa Bb. Pilipinas 2010 - ang Team Binibesties.
Instant reunion na rin ito ng girls at ng game master na si Dingdong Dantes, na isa sa hosts ng grand coronation night ng batch nila noon.
Kasama ni Venus ang kanyang asawa na si North Orillan, ang pamangkin na si James de Jesus at ang kaibigan niyang si Kim Suiza, na itinanghal na Binibining Pilipinas 2015 2nd Runner-up.
Maglalaro sa Binibesties sina Nicolette and fellow batchmates Dianne Necio, Ross Misa-Lopez, at Selena Antonio-Reyes.
Marami pang exciting episodes ang parating sa Family Feud kaya't abangan ito Lunes hanggang Biyernes, 5:40 PM bago ang 24 Oras sa GMA.
Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide ding itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel ng Family Feud at sa GMA Network Kapuso Stream.