GMA Logo Family Feud
What's on TV

Veteran circus performers, magpapakita ng galing sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 26, 2025 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Tutukan ang tapatan ng Laguna Acrobats at Mystic Mime ngayong June 26 sa 'Family Feud!'

Fun and colorful Thursday ang mapapanood sa Family Feud dahil maglalaro ang veteran circus at carnival performers!

Ngayong June 26, abangan ang kanilang breathtaking performances pati na rin ang kanilang husay sa paghula ng sagot sa survey questions sa Family Feud.

Ang pride of Laguna na Laguna Acrobats ay kabibilangan ng magkakapatid na jugglers at acrobats. Tatayong leader si Janjan Belgica na delivery rider mula sa Pila, Laguna. Kasama sa Laguna Acrobats ang magkapatid na sina Jay Ar Lee at circus performer na si Bal Lee mula sa Cabuyao City, Laguna. Kukumpleto sa Laguna Acrobats si Jane Belgica na acrobat mula sa Calauan, Laguna. Siya rin ay naging juggler ng 13 years.

Family Feud

Ang grupo ng live events performers na Mystic Mime ang kanilang makakaharap sa Family Feud. Magiging leader sa Mystic Mime ang freelance statue and mime artist for 12 years na si Raymond Pedrozo mula sa Tondo, Manila. Kasama ni Raymond sa team Mystic Mime ang performer na may 15 years of mime experience at house husband mula sa Napindan, Taguig City na si Christian Gabanan; ang mime and magician for 15 years at businessman na si Ruben Ceniza mula sa South Signal, Taguig City; at ang mime and magician for 12 years mula sa Bocaue, Bulacan na si Pepe Morales.

Abangan ang kanilang pagpapakita ng galing sa pag-perform at paglalaro sa pinakamasayang family game show sa buong mundo na Family Feud ngayong June 26!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.