
Matinding tawanan at exciting na sagutan ang hatid ng Family Feud ngayong Biyernes.
Sa May 29, magtatapat sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ang ilan sa mga kilalang drag performers at talented stand-up comedians.
Ang Pink Mannequins ang magpapakita ng fierce energy at multi-generational drag artistry sa Family Feud studio. Pinangungunahan ito ng rising drag performer at content creator na si Sofia Trazona.
Kasama niya ang kaniyang mga kilalang mentors sa industriya. Si 22-year drag veteran na si Marla Gorr, ang 15-year stage icon na si Gorgeous Dawn, at ang celebrity drag stylist na si Martha Amethyst.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Ang comedy team na Todo Na 'To! ay binubuo ng mga seasoned comedians at performers. Maglalaro sa kanilang team si EJ Salamante, na nakilala bilang “Sleeping Diva” at “Spider Diva” dahil sa kaniyang nakakatawang acrobatic comedy performances.
Nariyan din si Rufa Mi na sumikat dahil sa kaniyang nakakatuwang impersonation ni Rufa Mae Quinto. Kasama rin si Verna o Verna Joy Najera, isang singer-comedienne na nagwagi kamakailan sa isang competition sa “It's Showtime,” at si Kimmy Obeña na kilala bilang stand-up comedian na may mabilis na banat at nakakaaliw na crowd work sa comedy scene.
Abangan ang masayang showdown na ito sa fresh episode ng Family Feud ngayong May 29, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, Kamao, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Lovers of the Red Sky, The Master Cutter, at Taskforce Firewall.