GMA Logo Perla Bautista at Marita Zobel in Family Feud
What's on TV

Veteran stars Perla Bautista at Marita Zobel, maglalaro sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 18, 2025 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Perla Bautista at Marita Zobel in Family Feud


Abangan ang Team Perla at Team Marita sa 'Family Feud' ngayong June 18.

Age is just a number. 'Yan ang pinatunayan ng dalawang beteranang aktres na maglalaro ngayong Miyerkules (June 18) sa Family Feud!

Matagal nang pangarap ng 85-year-old award-winning actress na si Ms. Perla Bautista ang makapaglaro sa Family Feud. Araw-araw daw kasi niyang pinanonood ang palabas.

Kaya't hindi niya pinalampas ang pagkakataon nang imbitahang maglaro ang kanyang pamilya. Makakalaban niya ang team ng matalik niyang kaibigan, isa ring beteranang aktres na nagdiriwang today ng kanyang 84th birthday, si Ms. Marita Zobel.

Si Perla Bautista ay napanood sa 250 films and TV shows at nagwagi ng 1962 best actress award para sa Markang Rehas. Samantala, naiuwi niya ang Gawad Urian Best Supporting Actress Award para sa Anak ng Cabron.

Makakasama sa Team Perla ang kaniyang pamangkin at general manager ng isang wellness center na si Mutya Alfonso; ang personal and public relations assistant niyang si Corlan Mendoza; at ang kaniyang apo na isang virtual assistant and social media specialist na si Lorraine Ann Balberan.


INSET:
https://drive.google.com/file/d/1IMQqnlkfnNgLrPZUS8wKSQ_tkIdDX9VY/view?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1acmK7idGYe41e20scdtSctMwYaMQRp-Z/view?usp=sharing
IAT: Perla Bautista and Marita Zobel in Family Feud


Isa sa mga contract stars ng LVN Pictures, ang highly respected na si Marita Zobel ay sasamahan ng kaniyang tatlong apo. Sila ay sina Kari De Leon na isang free diver and professional mermaid performer; Carlos Ysmael III na commercial model, basketball player, and bodybuilder, at Pauline Roxas na fashion designer, stylist, and content creator.

Isang birthday surprise din ang inihanda ni Dingdong Dantes at ng staff ng Family Feud para kay Ms. Marita.

Tutukan ang exciting na tapatan ng Team Perla at Team Marita sa pinakamasayang family game show sa buong mundo na Family Feud!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.