
Swabeng moves at throwback music ang highlight ng birthday performance ni Vhong Navarro sa fun noontime program na It's Showtime!
Nitong Biyernes (February 7), bigatin ang special number ng dancer at singer para sa kanyang kaarawan na umikot pa sa labas ng ABS-CBN studio at sumayaw sa harap ng maraming tao.
Marami ang natuwa nang ginamit ni Vhong ang kanyang hits katulad ng "Mr Suave," "Don Romantiko," at "Supah Papalicious Man."
Kasabay ng kanyang nostalgic songs, ipinamalas ni Vhong ang kanyang swabeng dance moves kasama ang kanyang mahuhusay na back-up dancers.
Natapos ang kanyang birthday pasabog sa loob ng It's Showtime studio, kung saan sinamahan siya ng mga cute at energetic Showtime kids sa dance floor.
"Gusto ko 'yung kinanta mo 'yung songs mo," masayang bati ni Vice Ganda sa celebrant. "Iyon 'yung pamamaraan natin para hindi mamatay 'yung mga kanta natin. Kailangan patuloy natin siyang kinakanta."
"Pero tanong ng madlang people, Kuys Vhong, may bago ka ba raw single?" tanong naman ni Jhong Hilario.
"Iyan po ang dapat abangan n'yo. Kaya sa mga composer diyan, dito lang ako," biro ni Vhong.
Labis ang pasasalamat ni Vhong sa mga tumulong sa kanyang birthday performance lalo na sa kanyang Streetboys co-member na si Jhong Hilario.
Mas naging kumpleto ang birthday celebration nang nag-blow the candle si Vhong at birthday wish.
"Simple lang, sana marami pang blessings ngayong 2025 at saka 'yung health namin. Kasi uso na naman ang mga sakit. 'Di ba sana ay maging okay kami, buong pamilya," hiling ni Vhong.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang heartwarming celebration ng It's Showtime family sa kanilang 15th anniversary, dito: