
Tila na-starstruck ang It's Showtime hosts at madlang people sa ganda ng Kapuso aktres na si Max Collins!
Sa February episode ng programa, masayang naging isa sa mga hurado si Max sa hot and fun segment na "Sexy Babe."
Pagkakita pa lang sa kanya, looking chic and elegant na agad ang looks ng Kapuso star. Kahit simpleng tube top at white pants lang ang suot niya, hindi mo maiwasang mapansin ang kagandahan ng aktres.
Hindi lang ang madlang Kapuso ang nabighani sa kanyang visuals, pati na ang It's Showtime family. "Grabe si Max Collins, nagpapatotoo," komento ni Vice Ganda. "Iyan 'yung gandang hindi na masarap tingnan. Iyan 'yung gandang hindi nakaka-inspire, nakakabagsak ng confidence 'yung ganyang ganda."
Natawa ang lahat, pati na si Max, nang ibinuhos ni Vice ang kanyang gigil sa ganda ng aktres.
"'Yung imbis na ma-inspire ka sa buhay, sasabihin...'Yon 'yung pinamukha mo sa amin kung gaano kami kachaka,'" biro ng Unkabogable Star. "I feel good about myself pag gising ko. Noong nakita kita sabi ko, 'My God! Ang panget ko pa rin talaga! '"
Mula sa buhok hanggang sa body figure, labis na maganda ang Kapuso aktres. Nabigla pa si Vice nang malaman niya na single mom pala ito.
"Nanay ka?! Nagbuntis ka pa niyan?! Nag-alaga ka, nagpadede ka?! " gulat na tanong ng comedian.
Dahil sa kanyang curiosity, pinalapit pa ni Bela Padilla si Max sa stage upang mas makita nila ang kanyang natural features.
Ayon kay Bela , kamukha raw ni Max ang Hollywood star na si Natalie Portman. Dagdag pa ni Vice na tila kumikinang pa ang Kapuso star kapag nakita ng malapitan.
"Hindi ko naman kasalanan ito kung bakit ganito ang itsura ko. Kasalanan 'to ng nanay ko. Kung hindi ka nagyosi noong pinagbubuntis mo ko, sana ang ganda ko ngayon," biro ni Vice, na agad tinawanan ni Max at sinabing ganoon din ang kanyang nanay.
Balikan ang nakakatawang reaksyon ni Vice Ganda kay Max Collins dito:
Samantala, maraming online netizens ang pinusuan ang mini photoshoot ni Max sa tapat ng It's Showtime studio. Marami ang humanga kung gaano ka natural ang aktres maging model, kahit simple lang ang damit nito.
Kasama na rin sa mga nagkomento ang iba pang Kapuso stars na sina Carla Abellana, Rigel Lyra Micolob, Barbie Forteza, Lauren Young, at marami pang iba.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.