GMA Logo Vhong Navarro
What's Hot

Vhong Navarro, may good news sa mga dapat abangan sa 'It's Showtime' sa GMA

By Jimboy Napoles
Published March 20, 2024 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Vhong Navarro


Mapapanood na ang 'It's Showtime' sa GMA simula sa April 6.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng Kapamilya host na si Vhong Navarro sa matagumpay na collaboration ng It's Showtime at ng GMA Network.

Ngayong Miyerkules, March 20, ginanap ang “It's Showtime sa GMA Contract Signing” sa iconic Studio 7 ng GMA.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, live na nakapanayam ng batikang TV host si Vhong. Dito ay sinabi ni Vhong na talagang pinaghandaan nila ang pagdating sa GMA.

Aniya, “Tito Boy talagang pinaghandaan po namin ang araw na ito dahil napaka-espesyal po ng papasukan naming bahay - bagong bahay.”

Inamin din ni Vhong na naging emosyonal sila ng kanyang co-hosts dahil sa saya.

“Halo-halo ang emosyon ko Tito Boy, kanina naging iyakin kami dahil sa nararamdaman naming saya at [ang] hirap paniwalaan na nangyayari ngayon ito na ang It's Showtime from GTV e papasok na kami sa GMA,” ani Vhong.

Dagdag pa niya, “Siyempre dalawa na ang [channel] na paglalabasan namin ngayon so doble ang gagawin naming pagpapasaya sa madlang pipol at madlang Kapuso.”

Ayon pa kay Vhong, pinaguusapan na ang magiging pagpasok ng Kapuso stars sa It's Showtime.

“'Yung papasok po na mga Kapuso stars, parang inaayos na po kung daily po, kung iba-iba or magiging regular po. So, inaayos lang po Tito Boy,” ani Vhong.

Ang nasabing contract signing ay dinaluhan ng hosts ng programa na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, at Darren Espanto.

Present din dito ang GMA offiicials na sina, GMA Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, and Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President and CEO of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes.

Nagbigay suporta rin ang ABS-CBN executives na sina ABS-CBN Chairman Mark L. Lopez, President and Chief Executive Officer Karlo L. Katigbak, Chief Operating Officer Ma. Socorro V. Vidanes, and Group Chief Financial Officer Ricardo B. Tan Jr..

Matatandaan na noong July 2023 nagsimulang mapanood ang It's Showtime sa second free-to-air channel ng GMA na GTV.

Simula naman sa April 6, 2024, mapapanood na rin ang It's Showtime sa main channel ng GMA.

RELATED GALLERY: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'