GMA Logo Vianna Ricafranca
What's on TV

Vianna Ricafranca joins Rain Barquin, Colline Salazar in Centerstage's grand finals!

By Dianara Alegre
Published March 10, 2021 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Vianna Ricafranca


Pasok na sa Centerstage Hall of Grand Finalists ang pambato ng Albay na si Vianna Ricafranca!

Pasok na sa grand finals ng reality kiddie singing competition ang pambato ng Albay na si Vianna Ricafranca matapos nitong talunin ang bagong set ng Bida Kids na nagtangkang agawin ang kanyang trono sa Ultimate Centerstage.

Kabilang sa mga bagong Bida Kid na nagpakitang-gilas at nagpamangha kina Centerstage judges Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena ang 11-year-old singer ng Pasig City na si Andrea Anjayi; ang Cutie Tiktokerist ng Makati City na si Andrea Anjayi, ang Miracle Babe mula Pasig City na si Heaven Gersava, at ang Singing-Artist ng Tondo na si Princess Imperial.

Source: Centerstage

Kahit na nabigong makatuntong sa Ultimate Centerstage ay hindi pa rin matatawaran ang ipinakita nilang talento at husay sa pag-awit.

Samantala, muli na namang napabilib ni Vianna ang mga hurado nang awitin niya ang “Hindi Kita Malilimutan” na pinasikat ni veteran singer Basil Valdez.

Dahil sa kanyang heartfelt rendition, pinatunayan ni Vianna na karapat-dapat siyang ihanay sa Centerstage Hall of Grand Finalists kasama sin Rain Barquin at Colline Salazar.

Samantala, patuloy pa ring kinabibiliban ng viewers ang state-of-the-art virtual set ng show, tampok ang video mapping technology katuwang ang IMMRSV ASIA Inc.

Ang hakbang ay alinsunod sa anti-COVID-19 protocols na ipinatupad ng gobyerno para sa mga bata.

Gamit ang teknolohiyang ito, hindi na kinailangang magtungo ng kid contestants sa actual studio para mag-perform. Sa kani-kanilang bahay na lang sila pinuntahan ng staff ng show at doon kinunan.

Ang judges naman, kasama sina Centerstage hosts Alden Richards at Betong Sumaya, ay nasa studio para doon i-evaluate ang contestants.

Patuloy na panoorin ang Centerstage tuwing Linggo, 7:40 p.m. sa GMA!