GMA Logo vianna ricafranca on centerstage
What's on TV

Vianna Ricafranca defends her title on 'Centerstage!'

By Dianara Alegre
Published March 3, 2021 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

vianna ricafranca on centerstage


Will Vianna Ricafranca finally join Rain Barquin and Colline Salazar in 'Centerstage''s Hall of Grand finalists?

Nadepensahan ni Bida Kid Vianna Ricafranca ang kanyang pwesto sa reality kiddie singing competition na Centerstage nitong Linggo, February 28.

Muling pinatunayan ng defending champion ang kanyang husay sa pag-awit nang kantahin niya ang sariling endition ng “Tanging Yaman” ni Filipino singer Carol, at pahangain sina Centerstage judges Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena.

Tinalo ni Vianna ang bagong set ng Bida Kids na nagtangkang kunin ang kanyang pwesto sa Ultimate Centerstage.

Gayunman, kinagiliwan at hinangaan pa rin ang mga ito dahil sa ipinakita nilang angking galing sa pagkanta.

Kabilang sa mga nag-perform nitong Linggo sina Ahada Cleosala, Wonder Kid of Sorsogon; Sam-Sam Serrano, ang fashionista biretta ng Bulacan; Akiesha Singh na pambato ng Bulacan, at si Iggy Balisnomo, ang tinaguriang Lola's Favorite ng Quezon City.

Samantala, nitong Linggo rin ipinakita ang state-of-the-art virtual set ng show, tampok ang video mapping technology katuwang ang IMMRSV ASIA Inc.

Ang hakbang ay alinsunod sa anti-COVID-19 protocols na ipinatupad ng gobyerno para sa mga bata.

Gamit ang teknolohiyang ito, hindi na kinailangang magtungo ng kid contestants sa actual studio para mag-perform.

Sa kani-kanilang bahay na lang sila pinuntahan ng staff ng show at doon kinunan ang kanilang performance.

Ang judges naman, kasama sina Centerstage hosts Alden Richards at Betong Sumaya, ay nasa studio para doon sila i-evaluate.

Patuloy na panoorin ang Centerstage tuwing Linggo, 7:40 p.m. sa GMA!