
Naghatid ng good vibes online ang It's Showtime mainstay na si Vice Ganda nang mag-upload ng updated photo niya habang kumakain.
Matatandaan na ilang linggo nang lumalabas sa social media ang mga throwback photo ng Unkabogable Star na kumakain sa iba't ibang lugar.
Sa kanyang recent Instagram post, ibinahagi ni Vice Ganda ang bagong eating photo niya at nilagay sa caption, "Ayan bagong kain pic ko dagdag nyo sa amats nyo!"
Makikita sa comments section na kinaaliwan ng netizens at local celebrities ang bagong larawan ng seasoned comedian-host.
PHOTO COURTESY: @praybeytbenjamin (Instagram)
Sa "Miss Q&A Reyna Talak-Era 2026" segment ng It's Showtime noong July 10, nagtaka si Vice Ganda tungkol sa mga kumakalat niyang mga larawan habang kumakain sa social media.
"Alam mo, nagtataka ako lately. Bakit lumalabas sa online 'yung mga picture kong kumakain?
"Yung mga luma kong pictures nung mga early 2000s. Ang dami! Sabi ko, 'Ano'ng trend 'to?' Hindi ko ma-explain. Ayoko magtanong sa Twitter kasi mas lalong mati-trigger, maglalabasan lalo," pagbabahagi niya.
Dagdag niya, "Puro picture kong kumakain, ng pares. Kahit si Maki, nag-post siya ng picture kong kumakain ng pares tapos siya rin kumakain. Sabi ko, 'Pinagtitripan ako online talaga, kung ano-ano'ng trend."
Bukod dito, nagwagi si Vice Ganda bilang Best Host for Entertainment sa first-ever FAMAS Broadcast Awards 2026, habang pinangaralan din ang It's Showtime bilang Best Variety Show.
Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: The times Vice Ganda wowed us with her versatile fashion