GMA Logo vice ganda and leni robredo
Image Source: teamviceph/praybeytbenjamin (Instagram)
What's Hot

Vice Ganda, biniro si Leni Robredo: 'Dinggin n'yo po kami'

By Jansen Ramos
Published May 3, 2026 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Windorski? | GMA News Feed
Celeste Cortesi launches a pocket-sized beauty essential
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda and leni robredo


Umapela si Vice Ganda kay dating Bise Presidente at ngayo'y Naga City Mayor Leni Robredo na tumakbo sa 2028 national elections.

Dumalo ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa launch ng tourism campaign ng Naga City na pinamagatang "Naga is the Heart" noong Biyernes, May 1.

Personal na nagpasalamat si Naga City Mayor Leni Robredo sa mabilis na pagtanggap ng imbitasyon ng comedian-TV host para sa nasabing event.

Naging maingay ang paglabas ni Vice matapos niyang biruin ang alkalde tungkol sa pagtakbo nito sa 2028 national elections.

Sabi ng It's Shotime host, "Masaya akong naririto. Lahat ng panawagan n'yo sa 'min, didinggin namin. Sana dinggin mo rin ang panawagan namin."

Kasunod nito ay hinikayat ni Vice si Robredo na muling sumabak sa national office dahil naniniwala siya sa kakayahan nitong mamuno.

Apela niya, "Naga is the heart, you are our heart. You are our hope. We need you to continue hoping for our wonderful future, not just for our families but for the entire Philippines."

Sa puntong ito, halos lumuhod si Vice sa harap ng mayor at nagmakaawa: "Dinggin n'yo po kami, para n'yo nang awa."

Sa isang panayam noong Abril 2026, nauna nang sinabi ng opisyal na hindi siya kakandidato sa pagkapangulo o sa kahit anong national position sa susunod na halalan. Ayon kay Robredo, plano niyang maghain ng kandidatura bilang alkalde ng Naga City para sa ikalawang termino.

Tumakbo si Robredo bilang pangulo noong 2022 national elections, ngunit nabigo siyang manalo. Siya ang ika-14 na bise presidente ng Pilipinas, na nagsilbi mula 2016 hanggang 2022.

Bukod kay Vice, nagpahayag din ng panawagan sina Sharon Cuneta, Nadine Lustre, at Ogie Diaz kay Robredo na muling pasukin ang national politics.

Related feature: Vice Ganda and Ion Perez enjoy romantic beach getaway