
Ipinakita ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang kanyang masayang bonding kasama ang kanyang ina na si Nanay Rosario na bago niyang YouTube vlog.
Sa naturang video, nag-bonding ang dalawa sa pamamagitan ng pagluluto ng tocino at fried rice sa kusina. Nagkulitan din ang mag-ina nang tulungan ni Nanay Rosario ang Unkabogable Star na pumili ng sexy actor na pwedeng isama sa bagong pelikulang gagawin ng huli.
Dito ay iba't ibang larawan ng Kapuso at Kapamilya actors ang ipinakita ng komedyante sa kanyang nanay.
Bukod dito, isang regalo ang hatid ni Vice Ganda para kay Nanay Rosario bago natapos ang kanyang YouTube vlog. Binigyan ng seasoned actress-comedian ang kanyang ina ng kwintas na may diamonds para sa Mother's Day.
Panoorin ang buong vlog ni Vice Ganda sa video na ito.
Samantala, napapanood si Vice Ganda sa noontime variety show na It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
TINGNAN ANG VERSATILE STYLE NI VICE GANDA SA GALLERY NA ITO: