
Gustong makita ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang batang lalaki sa isang viral TikTok video na makikitang nag-aalangang pumila sa “Face Paint” corner ng isang birthday party dahil sa pag-aakalang may bayad ito.
Mapapanood sa nasabing video na tila matagal nang pinapanood ng batang lalaki ang mga kapwa niya bata na nilalagyan ng design sa mukha o face paint.
Makikita sa reaksyon ng batang lalaki na gusto niya ring ma-experience ito kaya lumapit siya sa gumagawa ng face paint at nagtanong muna kung may bayad ba ito bago umupo at magpagawa.
@angelicasiosonn ♬ original sound - Jo Villaraza
Ayon sa uploader ng video, wala naman itong bayad dahil package ang pagkuha sa kanila ng kliyente kung kaya't lahat ng lumapit sa kanilang bata ay kaya nilang ma-accommodate.
Napangiti naman ang batang lalaki nang malamang libre ang face painting at magalang na nagpagawa sa kanyang mukha ng Spiderman mask.
Marami namang netizens ang naantig at naka-relate sa bata.
“This makes me teary-eyed because it reminds me of my childhood. We were so poor that time to the point I couldn't even afford to buy a pair of slippers,” komento ng isang netizen.
“It is the smallest of things that only a child can see, enjoy, and appreciate. Wishing you a well future kid!” mensahe naman ng isang TikTok user.
Ang naturang TikTok video, umabot na rin sa Twitter at napanood ni Vice. Maging ang sikat na TV host ay naantig sa video ng bata at napa-post pa na gusto niya itong makilala.
Awwww!!! Who knows this kid? I wanna meet him. https://t.co/SX7AsfwrcG
-- jose marie viceral (@vicegandako) April 13, 2024
Maraming netizens naman ang tumulong na mahanap ang contact details ng kanyang mga magulang.