GMA Logo Vice Ganda and Teacher Gerl in Its Showtime
PHOTO SOURCE: Facebook: Vice Ganda/ It's Showtime
What's on TV

Vice Ganda, may saloobin tungkol sa kahalagahan ng mga guro sa mga kabataan

By Maine Aquino
Published October 5, 2025 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspensions for Friday, Nov. 7, 2025
1,000 pamilyang nasalanta ng Bagyong Tino sa Talisay, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
3 Ka Tonelada nga Karne sa Manok ug Baboy, Nasakmit | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda and Teacher Gerl in Its Showtime


Vice Ganda, nagsalita para sa mga teachers. Alamin ang kaniyang pagbibigay ng boses para sa mga teachers sa 'It's Showtime.'

Ang purpose ng isang guro sa mga kabataang Pinoy ang isa sa mga binigyang pansin ni Vice Ganda sa It's Showtime.

Sa segment na Laro Laro Pick nakausap ni Vice si Teacher Gerl. Ayon kay Teacher Gerl, masaya siya na nakakatulong sa mga kabataan.

"Masarap sa pakiramdam na makatulong ka sa mga bata, kasi ako kindergarten teacher...Babalikan ka po at babalikan "'yun ang favorite teacher ko kasi natuto ako sa kanya."

Tanong ni Vice kay Gerl at sa mga guro na napanood kahapon, October 4, "Masasabi mo bang okay na 'yun sa'yo? Okay na ganyan lang ibinabayad sa'yo, wag na nating taasan kasi ang sarap naman ng pakiramdam e."

Vice Ganda and Teacher Gerl It s Showtime

PHOTO SOURCE: Facebook: Vice Ganda/ It's Showtime

Dugtong pa ni Vice, "Shall we romanticize the struggles, the challenges, dahil lang sa e ang sarap naman ng feeling e?"

Sagot ni Teacher Gerl, "Sana po may increase."

Inilahad naman ni Vice ang kaniyang saloobin tungkol sa role ng isang teacher sa mga kabataan at ang karapatan nilang magkaroon ng mas mataas na sahod.

"Bilang isang teacher, hindi ka lang guro. Isa ka ring pamilya ng bata kaya ang ganda ganda ng purpose ninyo. Pero, kailangan kayong ituring na mas disente. Bigyan ng mas disentang kompensasyon o sahod."

Dagdag pa ni Vice, kailangan na marinig ng nakararami ang pangangailangan ng teachers sa bansa.

"You need to be seen and be heard kasi 'yan ang itinuturo ninyo sa amin e... Kayong mga teachers you need to be seen and you have to be heard. You have to be respected hindi lang sa isang buwan ng teacher's month kung hindi araw-araw sa buong taon."