GMA Logo Vice Ganda, nanay Rosario, family
Photo by: praybeytbenjamin IG
Celebrity Life

Vice Ganda, masayang naligo sa ulan kasama ang pamilya

By Kristine Kang
Published July 21, 2025 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Charlie Fleming is L’Officiel Philippines’ December digital cover girl
Over 1,000 cops deployed in churches in Region 6 for dawn Masses
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, nanay Rosario, family


Vice Ganda sa kanyang family bonding: “#EtoAngTotoongPriceless.”

Tila bumalik sa kanyang pagkabata ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isang simple ngunit napaka-espesyal na sandali kasama ang kanyang pamilya.

Sa isang social media post, ibinahagi ng It's Showtime host ang kanyang random plan ngayong tag-ulan na nagsimula sa isang biglaang alaala ng kanyang kabataan.

"Gumising ng maaga para magtrabaho. Malakas ang ulan. Naisip ko 'yung mga araw na naglalaro ako sa ulan. Ang saya nu'ng mga araw na yun. Napaisip ako kung anong gusto ko sa sandaling 'yun," kuwento ni Vice.

Imbes na dumiretso sa trabaho, sinunod ni Vice ang kanyang puso at nostalgia feels.

"Bumangon ako. Pero 'di ako dumiretso sa trabaho. Pumunta ko sa bahay ng nanay ko at inaya ko s'yang maligo sa ulan. Napakasaya. 'Di matatawaran. Sa oras na to gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata. Ang sarap. Bukas may trabaho pa ko. Pero di ko alam kung bukas uulan pa. Di din ako sigurado kung makakapaglaro pa ko sa ulan kasama ang nanay ko. Kaya ngayon na. Ngayon na. #EtoAngTotoongPriceless," dagdag pa niya.

Kasama ng post ang isang heartwarming photo ng kanilang pamilya habang masayang naliligo sa ulan.

Umani agad ito ng reaksyon mula sa netizens at celebrities tulad nina Anne Curtis, Kyline Alcantara, Shuvee Etrata, Darren Espanto, Ivana Alawi, Vina Morales, at marami pang iba.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Kilala si Vice Ganda bilang isang mapagmahal na anak kay Nanay Rosario, na madalas niyang makasama sa mga vlog at TikTok videos.

Isa na rito ang pagbisita niya sa kanyang ina para ipagdiwang ang Mother's Day.

Samantala, patuloy mapapanood si Vice sa noontime program na It's Showtime. Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.

Silipin ang ethereal birthday photoshoot ni Vice Ganda sa gallery na ito: