
Punong-puno ng kakyutan ang napanood sa “Mini Ms. U” segment ng hit noontime show na It's Showtime noong Biyernes.
Sa naturang segment, ipinakilala ang isa sa mga Cutie-Queen na si Millionie Paña, 5, mula sa Cavite at ipinamalas nito ang kanyang talento sa pagsasayaw. Ayon kay Millionie, siya ay masaya sa tuwing sumasayaw.
Matapos ito, ipinamalas din Millionie ang kanyang talento sa pagkanta na talaga naman kinagiliwan ng audience at hosts na sina Vice Ganda at Amy Perez.
Inawit niya ang kanta ng Apo Hiking Society na “Ewan,” na aniya'y isa sa mga paborito niyang kantahin.
Sa katunayan, pinaulit ng seasoned comedian kay Millionie ang linyang “hindi namamansin” na mayroong kasamang pagtingin sa ibang direksyon. Aliw na aliw si Vice sa five-year-old contestant dahil pinaulit pa niya ang nasabing linya nang dalawa, tatlo, at limang beses.
Sa huli, itinanghal na Mini Ms. U of the Day si Millionie habang ang Mini Ms. U runners up ay sina Graciela Elyse Arcilla ng Laguna at Natalia Dissanayake ng Muntinlupa.
Panoorin ang It's Showtime at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HIGHLIGHTS SA NAGANAP NA CONTRACT SIGNING NG IT'S SHOWTIME AT GTV SA GALLERY NA ITO.