GMA Logo vice ganda on its showtime
photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Vice Ganda, nagbigay ng 20K pesos sa natalong delivery rider

By Kristine Kang
Published May 30, 2026 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alexander Zverev suddenly heavy French Open favorite
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa May 29, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda on its showtime


Bigo man sa "Laro,Laro, Pick," may munting bigay si Vice Ganda para sa contestant!

Isang espesyal na regalo ang ibinigay ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isang contestant ng It's Showtime.

Noong Biyernes, May 29, masayang nakaabot sa jackpot round ang delivery rider na si Macoy sa game segment na "Laro, Laro, Pick."

Ayon kay Macoy, malaking tulong sa kanyang pamilya ang jackpot prize na PhP200,000, lalo na't kakapanganak pa lamang ng kanilang ikatlong anak.

Ikinuwento rin niya na kabilang sa autism spectrum ang kanyang panganay, kaya lalo siyang nagsisikap kumayod para sa kanyang pamilya.

"Nakikipagsapalaran po sa araw-araw. Nasu-survive ko naman po kung ano man ang pangangailangan nila," ani Macoy.

Sa laro, pinili ni Macoy ang Pot kapalit ng garantisadong PhP 30,000.

Kaya naman para sa jackpot prize, tinanong siya, "Sa kanta ng Eraserheads na 'Overdrive', ano ang unang lugar na binanggit?"

Ngunit matapos ang limang segundo, hindi nakasagot si Macoy.

"Ang lugar na unang binanggit sa awitin ng Eraserheads na 'Overdrive' ay Baguio [which] is the correct answer," paliwanag ni Vice.

Hindi naitago ni Macoy ang kanyang lungkot sa nasayang na pagkakataong manalo.

Ngunit agad siyang nabigyan ng pag-asa nang bigyan siya ni Vice ng munting regalo.

"Pero binabati kita, kakapanganak ng anak mo. Napakasaya ng karanasan na 'yan. Kahit hindi ako ang ninang ng anak mo, bibigyan na lang kita ng pakimkim na PhP20,000," ani Vice.

Labis naman ang pasasalamat ni Macoy sa natanggap na biyaya.

"Sobrang saya po. Mabibili ko mga kailangan ng bunso ko po. Bibili ko po 'yung mga pangangailangan niya po," aniya.

"Mabuhay kayo nga riders!" bati naman ni Vice.

Subaybayan ang It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang heartwarming moment nina Vice Ganda at Macoy, dito: