GMA Logo Vice Ganda
What's on TV

Vice Ganda, nagpasalamat sa suporta ng Madlang Kapuso sa 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published April 8, 2024 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Unkabogable Star Vice Ganda sa Madlang Kapuso: “Makakaasa kayong araw-araw namin kayong pasasayahin at araw-araw namin kayong pupusuan.”

Labis ang pasasalamat ng actor at host na si Vice Ganda dahil sa pagmamahal at suporta ng Madlang Kapuso sa It's Showtime.

Noong April 6, matatandaan na umere ang noontime variety show sa GMA-7, kung saan nasaksihan ang pasabog na opening performance ng hosts at iba't ibang Kapuso stars ang nakisaya sa segments ng programa.

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'

Sa unang bahagi ng episode ngayong Lunes (April 8), nagpasalamat si Vice Ganda sa suporta ng Madlang Kapuso at nangakong araw-araw silang maghahatid ng saya sa mga manonood.

“This is no longer a dream, this is reality. At busog na busog kami sa pagmamahal at suporta na natanggap namin sa inyo, Madlang mga Kapuso. Makakaasa kayong araw-araw namin kayong pasasayahin at araw-araw namin kayong pupusuan,” aniya.

Bukod dito, nagpasalamat si Vice sa mga manonood dahil sa kanilang pagtutok sa unang episode ng It's Showtime sa GMA, na umani ng mahigit 500,000 peak concurrent viewers online.

Matatandaan na nasaksihan sa pilot episode ng noontime variety show ang pasabog na performances ng hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.

Nakisaya rin ang Kapuso stars na sina Jillian Ward, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Mikee Quintos, Mark Bautista, Nadine Samonte, Christian Bautista, Jake Vargas, at Chanty Videla sa segment na “KaraoKids.”

Samantala, sumalang ang Kapuso actress at Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee sa “EXpecially For You” kasama ang kanyang ina na si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.