GMA Logo Miss Q and A contestants, anne curtis, vice ganda, jhong hilario,
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Vice Ganda, naloka sa mga sagot ng Miss Q&A candidates

By Kristine Kang
Published June 18, 2026 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bank workers attacked, cash seized in Bukidnon armed robbery
Driver of Iloilo provincial gov't arrested with P7.8M suspected shabu
Why 'Toy Story 5' may be Pixar's most timely film yet

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Q and A contestants, anne curtis, vice ganda, jhong hilario,


Pahayag ni Vice Ganda tungkol sa Miss Q&A candidates: “Sorry na po. Gagalingan namin bukas.”

Isa na namang FUNanghalian na puno ng tawanan at kulitan ang hatid ng noontime program na It's Showtime.

Nitong Huwebes (June 18), masayang rumampa ang mga bagong kandidata sa comeback segment na "Miss Q&A Reyna ng Talak-era 2026."

Isang pasabog na entrance ang ipinamalas ng The Queen of Laguna's Chatter na si Iya Zaga, na sinundan ni The Queen of Arguing from Bulacan, Miss Mia! Last but not least, rumampa rin nang may buong kumpiyansa ang The Queen of Sass from Cavite na si Toni Fowler.

"Ang gaganda. Titleholders, sorry," papuri ni Anne Curtis.

"'Di 'yung isa, hindi pa. 'Yung number three, hindi pa raw siya nananalo," biro ni Vice Ganda.

"Ganda kasi iba-iba 'yung mga style ng buhok nila," dagdag ni Jhong Hilario.

"Yes! May morena, may puti, may kulay grey," banat ni Vice.

Enjoy na enjoy ang madlang people sa banters ng mga host at bonggang mga candidates.

Ngunit ang pinakapinusuan at kinaaliwan ng netizens ay ang nakakatawang question-and-answer portion ng kompetisyon.

Sa unang round, nauwi sa dikitang laban nina Iya at Toni. Ngunit hindi dahil sunod-sunod ang puntos na nakuha nila, kundi dahil sa kanilang waley pero nakakatawang mga sagot.

"Ano ang Ingles ng sampaloc?" tanong ni Vice.

Unang sumagot si candidate number one.

"I believe ito ay sampaloc. I believe ito ay ang Ingles ng sampaloc. I believe ito ay maasim. Ito ay seeds, chareng," sagot ni Iya.

Kaagad namang sinunggaban ni candidate number three ang pagkakataong sumagot.

"I believe ito ay kinakain natin. I believe ito ay sampaloc. I believe ito na talaga sana. Seed!" sagot ni Toni.

Puno ng halakhakan ang studio, lalo na ang mga host.

"Oo, kasi isa lang, e," ani Jhong. "Kasi sinabi niya kasi seeds. Hindi naman mga sampaloc. samapaloc lang ang [sinabi]. 'Di isa lang"

"Ayaw niya ng marami. Ayaw niya ng plural,"hirit ni Anne.

Mas naloka ang madlang people sa sumunod na tanong.

"Pinakamadali na dito. Ano ang Ingles ng bangus?" tanong ni Vice, na una muna ulit sumagot si candidate number one.

"I believe ito ay English. I believe ito ay masarap. I believe ito ay Sinisigang. Ito ay catfish," sabi ni Iya.

Dahil mali muli ang sagot, nagkaroon na naman ng pagkakataon si Toni.

"I believe ito ay isda, natural. I believe may kaliskis ito. I believe lumalangoy ito. I believe ito ay...fishda?" sagot ni candidate number three na muling nagpatawa sa audience.

Si Vice, naloka na sa mga sagot ng dalawang kandidata.

"Nagpakapuyat ako magpa-audition. Jusko! Ang bobobo ng nakuha ko. Sorry na Tita Cory. Ms. Annette, sorry na. Gagalingan ko 'yung pa-audition bukas. Audition pala ng Vice Comedy Club 'yung ginawa ko," biro ni Vice.

Ngunit hindi pa rito nagtapos ang kalokohan nang sumagot din si candidate number two.

"I believe isda ito. I believe paborito ito ng madlang people. I believe kinakain ko 'to. Fishmilk," ani Miss Mia.

Umabot pa sa susunod na tanong ang tawanan sa studio.

"Ano ang capital ng Pilipinas?" tanong ni Vice.

"I believe ito po ay lugar. I believe ito po ay maganda. I believe medyo mapolusyon dito. Manila," sagot ni Iya, na tumpak naman.

Ngunit mas nagpatawa si Toni sa kanyang sagot. "I believe lugar ito. I believe naguluhan ako. I believe letter ito. Letter P? Philippines!"

"Sorry na po. Sorry na po. Gagalingan namin bukas," pabirong pagmamakaawa ni Vice.

Matapos ang round two nina candidate one and two, si Miss Mia ang kinoronahang Reyna ng Talak-era for the day.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan dito ang isa sa mga nakakatawang moments ng episode: