
Usap-usapan online ang isang love advice na binitawan ni Vice Ganda para sa madlang people at madlang Kapuso kamakailan.
Sa patok na segment ng It's Showtime na 'EXpecially For You,' seryosong nagbigay ng payo si Vice habang ongoing ang noontime show.
Ayon sa comedian-host, hindi umano dapat madaliin ang pagpasok sa isang relasyon o paghahanap ng karelasyon.
Payo niya, “You actually don't need to rush, and you don't need a partner to complete you.”
Sa comments section ng post ng GMA Network tungkol dito, mababasa ang ilang reaksyon ng netizens sa sinabi ni showbiz personality.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 97,000 likes at ang naturang post.
Samantala, si Vice ay happily married sa kanyang partner na si Ion Perez.
Matatandaan na ikinasal ang celebrity couple sa Las Vegas noong October 2021.