
Muling bumisita ang Sparkle actress na si Bianca Umali sa noontime program na It's Showtime at napanood siya sa segment na “Miss Q&A Reyna Talak-era 2026,” kung saan nakasama niya ang hosts na sina Vice Ganda at Jackie Gonzaga.
Sa pagbisita ni Bianca sa programa, pinuri ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang beauty ng aktres.
“Hindi ka nag-pageant kahit nung bagets ka?” tanong ni Vice Ganda kay Bianca.
Sagot ng aktres, “Hindi, Meme. Hindi pa, hindi ko pa nata-try.”
Pagpuri naman ng award-winning host at comedian, “Ito kasi Pinay beauty. Walang makeup no.”
Dagdag pa niya, “Kakapikon din 'to minsan e. Ang gandang bata.”
Ani naman ni Bianca, peg niya ang beauty ng komedyante kapag bibisita siya sa noontime show.
Aniya, “Every time I wake up, ang una kong panalangin sa Ama kapag magsho-Showtime ako, 'please make me look like Meme today.'”
“Sawa ka na sa pagiging maganda, gusto mo na gumising nang pangit,” hirit ni Vice Ganda.
Patuloy niya pa, “Pero itong gusto ko, 'yung umabot ako sa araw na hindi ko na kailangan mag-make up nang makapal.”
Samantala, bibida si Bianca sa upcoming horror-fantasy animated film na Ella Arcangel.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: Bianca Umali's transformation from child star to hot babe