
Kitang-kita ng Unkabogable Star Vice Ganda ang husay ni Sparkle actor Vince Maristela pagdating sa comedy. Kaya naman ang fast-rising Pinoy Big Brother housemate, napili niyang isama bilang co-host sa Gandang Gabi Vice.
Sa panayam ng 24 Oras kay Meme Vice, umamin ito na 'special gift' ni Vince ang pagiging 'sabaw' nito.
Paliwanag niya kay Aubrey Carampel, “Si Vince 'yung isa sa pinaka nakakaaliw, meron siyang ibang level of lutang and natatawa kami lagi.”
“May mga sinasabi siyang hindi ko ine-expect, nagtatawanan kami. Sabi ko, 'Ilagagay ko 'to sa GGV. Mapapakinabangan ko 'yung kasabawan mo.”
Source: 24 Oras
Ayon naman sa 26-year-old hunk, masaya siyang nakikita ng mga tao ang ibang side niya bukod sa pagiging aktor.
Sabi niya sa Chika Minute, “Hindi lang ako 'yung prim and proper. Pero makulit din ako no!
“Kaya ko makipagsabayan. Bukod sa nag-eenjoy ako, madami rin po ako natutunan kay Meme Vice at siguro lalo na ngayon na first time ko na maka-work siya as co-host. Iba rin talaga 'yung energy and masaya.”
Bukod sa hosting stint sa GGV, mapapanood din siya sa pagbibidahan na afternoon soap ni Will Ashley na Delivery Boi. Isa rin siya sa mainstay sa Kapuso podcast na TRGGRD!
RELATED CONTENT Vince Maristela's hottest photos