GMA Logo vice ganda
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Vice Ganda reassures Ryan Bang: 'Love will find you'

By Dianne Mariano
Published September 3, 2026 10:57 AM PHT
Updated September 3, 2026 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

First-time mom, umasa sa pangakong aalagaan siya ni partner | Barangay Love Stories
Palawan, mayaman sa mga wild fruit na binibili mula sa mga katutubo
FPJ Sa G! Flicks: Salaginto't Salagubang' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda


Naging emosyonal ang host na si Ryan Bang sa 'It's Showtime' matapos dumalo sa concert ni Yeng Constantino kamakailan.

Hindi napigilang maging emosyonal ang Korean TV personality na si Ryan Bang sa It's Showtime kahapon, September 2.

Sa "Miss Q&A: Reyna Talak-era 2026" segment, kinumusta ng Unkabogable Star na si Vice Ganda si Ryan dahil napansin nitong laman siya ng balita, pati sa social media.

"Kumusta? Bakit parang sikat na sikat ka ngayon?" tanong ng seasoned comedian.

Dagdag pa niya, "Pero ang common na nababasa ko sa comments, 'Ang pogi ni Ryan Bang.' Nag-bloom ka raw. Napapansin mo ba 'yon? Nakikita mo ba sa salamin ang mukha mo?"

Sagot ni Ryan, "Siguro nag-mature lang kasi nakikita nila ako, nagsimula ako 18 years old. Nung lumalabas kami ni Yeng [Constantino]."

Nagulat naman ang hosts nang banggitin ni Ryan ang pangalan ng Filipino singer.

Kuwento pa ni Ryan, lumalabas sila noon ni Yeng para mag-dinner. Nagpasalamat din siya kay Vice Ganda dahil sa pagsama sa kanya sa recent concert ni Yeng.

"Thank you, mommy, kasi sinama mo ako sa concert ni Yeng. Nag-flashback sa akin lahat. It was one of my best moments."

Matapos ito, napansin ni Vice Ganda na naiiyak si Ryan kung kaya't niyakap niya ito.

"Sabi ko, 'Mommy, makakahanap kaya ako?' Siyempre, tulad ni Yeng na... Noong nag-uumpisa ako, wala akong pambayad ng date, wala akong kotse, wala akong pera, paulit-ulit 'yung damit ko, pero may chance pala ako sa kanya. Makakahanap kaya ako ng gano'n?" ani Ryan.

READ: Ryan Bang confirms breakup with Paola Huyong: 'I never cheat'

Nagbigay ng magandang mensahe ang actor-comedian para kay Ryan tungkol sa pag-ibig.

"Hindi ka makakahanap, ikaw ang hahanapin ng pag-ibig. Kaya hindi mo kailangang maghanap. Love will find you, just wait," payo ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, "Don't cry. As I told you, so many people appreciate and value you. We see you. Nakikita namin ang kagandahan ng puso mo at ang kapogian ng panglabas mong kaanyuan, lalo na ngayon, ang pogi-pogi mo."

Matatandaan na nakatakda sana ikasal si Ryan sa dating non-showbiz fiancée niyang si Paolo Huyong. Ngunit nauwi sa breakup ang kanilang relasyon noong 2025.

Related gallery: From viral proposal to sudden split: Ryan Bang and Paola Huyong's relationship timeline

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.