GMA Logo Vice Ganda in Its Showtime
Photo by: praybeytbenjamin IG
What's on TV

Vice Ganda sa pinag-uusapang 'It's Showtime' segment: 'Bawi kami 'pag nakaluwag-luwag'

By Kristine Kang
Published May 5, 2026 3:00 PM PHT
Updated May 5, 2026 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA denies importation of cabbage, says Palace
Cops hunt down man who assaulted commuter, PUJ driver in CDO
Where to play in Dumaguete, the rising pickleball hub of PH

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda in Its Showtime


Humingi ng tawad si Vice Ganda sa naging bagong mechanics ng 'Laro Laro Pick'.

Labis na nauunawaan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang halo-halong reaksyon ng madlang people sa It's Showtime.

Noong Lunes (May 4), matatandaang nagpakilala ng bagong paandar ang segment na “Laro, Laro, Pick” sa round ng “U Gotta Lyric.”

Kilala ang laro sa live nitong kantahan kung saan kailangang kumpletuhin ng players ang liriko ng awitin.

Gayunpaman, sa naturang episode, pinalitan ito ng paunahan sa pagtaas ng kamay ng madlang players upang makasagot.

Dahil dito, maraming viewers ang tila nanibago at may mga reaksyon sa bagong mechanics ng segment.

Batay sa mga pinag-uusapan ng viewers, kaagad na humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa nasabing pagbabago.

"I know you don't really like the 'raise your hand' part in U Gotta Lyric. I don't like it either. Please forgive our shortcomings right now with the budget. We'll make it up to you when things loosen up. For now, we'll make it up with laughs. Love u Madlang People! #ShowtimeMay4You" aniya.

Agad namang ipinakita ng madlang people ang kanilang suporta at pag-unawa sa programa. Marami rin ay naging excited sa mga susunod pang kulitan at patawang hatid ng It's Showtime family.

"Okay naman siya Meme.. It's just really hard to tell who went first if raising hands is the basis..Maybe pwd buzzer," comment ng isang fan.

"Bawing bawi naman kayo sa patawa basta andyan ka sa segment na yan Meme. 'Wag na magaabsent please, kelangan namin ng marami raming tawa sa hirap ng layf ngayon,” dagdag ng isa pa.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang kanilang kulitan at saya sa "Laro,Laro,Pick" dito: