What's on TV

Vice Ganda, saludo sa kababaihan: 'Sobra akong na-amaze'

By Kristine Kang
Published July 8, 2024 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, EXpecially For You


Sa 'It's Showtime,' ibinahagi ni Vice Ganda ang kaniyang paghanga sa mga kababaihan.

Isa na namang makabuluhang kuwentuhan ang naganap sa patok na segment na "EXpecially For You" nitong Lunes (July 8) sa It's Showtime.

Naging paksa kasi sa kanilang usapan ang dinadanas ng tampok na searcher na si Julieane dahil sa kaniyang Polycystic ovary syndrome (PCOS).

Ito ay isang complex hormonal condition ng isang babae na nauugnay sa mga problema tulad ng irregular menstrual cycle, pagbaba ng fertility, at pagtaas ng panganib ng diabetes. Meron din mga ilang pasyente na nagkakaroon ng mga cyst sa kanilang ovaries dahil dito.

Kuwento ni Juliane,"Grabe po 'yung mood swings ko. Hindi naman ako emotional before pero like sobrang madali lang ako ma-bad trip, sobra ako madaling mapikon and minsan nga naluluha lang ako, eh. Wala namang dahilan,eh,"

Dahil sa kaniyang kondisyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sila ng kaniyang ex na si CJ, hanggang sa nauwi na ito sa kanilang hiwalayan.

Pero para kay Vice Ganda, mahirap talaga ang hindi nauunawaan ng asawa o boyfriend ang mga dinadaranas ng kanilang partner. Kahit sakit man iyan o tungkol sa iba pang bagay, kailangan talaga unawaan nila ang sitwasyon ng mabuti.

"Hindi lang naman PCOS, eh. Kung anong pinagdadaanan ng partner mo dapat talaga inuunawaan mo. Ang kaniyang stress. Yeah, dapat inuunawaan mo kasi kung hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung bakit siya nagkakaganoon, mamasamain mo," sabi niya.

Dapat mas mahaba ang pasensya at pag-unawa raw sa mga babae, lalo na't marami silang pinagdadaanan sa kanilang katawan.

"Ang hirap ng buhay ng mga babae kaya kailangan extend tayo ng extend ng extra patience and understanding," sabi ni Vice.

Dagdag din ng Unkabogable Star, "Imagine mo mag-memens sila, mag-P-PCOS sila, mag bubuntis sila ng siyam na buwan tapos after ng siyam na buwan, meron pa silang pangyayari sa katawan nilang pagbabago dahil sa kanilang pagbubuntis, 'di ba?"

Sa kanilang kuwentuhan, ginamit ni Vice ang pagkakataon para ibahagi ang kaniyang paghanga sa mga kababaihan.

"Grabe ang katawan ng isang babae sa sobrang nangyayari sa kanilang katawan… Kaya saludo ako sa kababaihan…," pahayag niya.

Sinabi niya rin, "I am so amazed and sobra akong namimisteryosohan sa katawan ng babae. Kung paano may nabubuhay sa katawan niyo. Kung paano nagkakaroon ng swimming pool d'yan na pinapalangoy ang bata. Paano siya lumalabas na ang laki ng bata lumalabas siya sa ganoon. Sobra akong na-amaze, ang wonderful, ang galing. "

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related Gallery: Celebrities who were diagnosed with PCOS