
Sa gitna ng pagbibiruan ng hosts ng It's Showtime, may nabanggit ang seasoned actor at comedian na si Vice Ganda tungkol sa estado ng noontime variety show sa GMA Network.
Sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng nasabing programa nitong Martes (December 17) hindi mapigilan ng Unkabogable Star at co-hosts niyang sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Kim Chiu na mag-comment nang may mapansin sila sa stage.
“Budgeted na tayo dito, budgeted,” ani Vice Ganda.
Dagdag ni Vhong, “Budgeted na, umaasenso na tayo.”
Sabi pa ng TV host-comedian, “Let's claim it na umaasenso tayo at hindi totoong may utang ang It's Showtime sa GMA.”
“Oo nga. Sino ba kasi nagpakalat non?” dugtong ni Kim.
Matapos ito ay nabanggit ni Vice Ganda si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at sinabi niyang mayroong “pamasko” ang Kapuso top executive.
“Bongga talaga 'to si Miss Annette! I love you, Miss Annette," aniya.
Dagdag niya, “Huwag kayong mag-alala, may pamasko si Miss Annette.”
Hindi binanggit ng Unkabogable Star kung ano'ng “pamasko” ang tinutukoy nito.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
TINGNAN ANG STYLISH LOOKS NG IT'S SHOWTIME HOSTS SA GALLERY NA ITO.