GMA Logo Vice Ganda slams fake news
Source: teamviceph/IG & @vicegandako/X
What's Hot

Vice Ganda slams fake news about allegedly getting 50 BTS tickets

By Jansen Ramos
Published June 12, 2026 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Singapore marks Independence Week 2026, celebrates Pinoy cuisine
Route xYz On Playlist
Thai Princess Bajrakitiyabha passes away at 47

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda slams fake news


Pinabulaanan ni Vice Ganda ang alegasyong nakakuha siya ng 50 tickets para sa concert ng BTS sa Bulacan sa 2027, at pinaalalahanan ang publiko na huwag agad maniwala sa mga nababasa online.

Pinabulaanan ni Vice Ganda ang kumakalat na balitang nakabili siya ng 50 tickets para sa two-day concert ng South Korean boy group na BTS na gaganapin sa March 13 at 14, 2027 sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan. Parte ito ng Arirang World Tour ng popular K-pop band.

Sa X, sinagot ng It's Showtime host ang isang netizen na nagpahayag ng matinding pagkadismaya matapos umanong makabili si Vice ng malaking bilang ng ticket na lagpas umano sa itinakdang purchase limit.

Ayon kay Vice, hindi dapat basta-basta nagpapaniwala sa mga nababasa online.

"Mas mahiya ka at ang mga kapwa mong mga bobo na mapagpaniwala sa mga tsismis na pang tanga! Tama yan! Nawa'y magpuyos ang mga puso n'yo sa galit na likha ng mga maliliit n'yong utak na kayang gaguhin ng fake news," ani Vice.

Sa hiwalay na reply, muling itinanggi ni Vice ang alegasyong nakakuha siya ng 50 tickets. Aniya, imposible itong mangyari dahil hindi pa niya tiyak ang kaniyang schedule sa araw ng concert ng BTS sa bansa.

Sulat niya, "Bobong mapagpaniwala... Sa'n galing ang 50 tix? Aanhin ko yun? 100 ba ang mata at tenga ko kung sakaling manonood man ako!!! Ni hindi ko nga alam ang sched ko sa araw na yun!"

Sold out agad sa loob ng isang oras ang concert ng BTS sa bansa sa susunod na taon, matapos magsimula ang general sale nito noong Huwebes, June 11, 11 a.m.

Samantala, isinagawa ang ARMY Membership presale noong June 9 at ang Live Nation presale noong June 10. Naubos din ang lahat ng ticket na inilaan para sa mga presale na ito.

RELATED FEATURE: BTS drops exclusive backstage snaps from Florida leg of 'Arirang' World Tour